Sarah Balabagan, umamin na may anak sila ni Arnold Clavio

“Ang ama po ng panganay ko ay yes, si Arnold Clavio po!”

Sa tagal ng panahong itinago ni Sarah Balabagan ang katotohanan ay napilitan na siyang sabihin ang totoo sa pamamagitan ng isang FB live.

Na-trigger si Sarah na i-reveal na ang Kapuso Radio and TV anchor na si Arnold Clavio ang ama ng kanyang panganay na anak dahil nag-trending ang pangalan ng huli sa isang past at nabanggit ang pangalan ng una.

Sa ngayon ay meron na rin 5-year old at one-year old na anak si Sarah sa kanyang asawa na si Jun Sereno.

Inamin din niya na may basbas ng kanyang asawa ang ginawa niyang paglaglag sa pangalan ni Clavio.

“Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas.”

“Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko,” sabi pa ni Balabagan.

Idinagdag pa niya na siguro ay will ng nasa Itaas ang mga nangyayari para maitama niya ang lahat ng dapat maitama.

“Hindi naman po habambuhay, e, buhay ako para sagutin ang mga haka-haka at mga tsismis na ‘yan.

“Paano ‘pag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko,” sabi la niya.

Ang panganay na anak ni Sarah na anak sa kanya ni Arnold ay 21 years old na sa ngayon.

Sigurado naman si Sarah na maiintindihan ng kanyang anak ang kanyang ginawa at maa-appreciate.

Isa pa sa mga dahilan ng paglabas ngayon ni Sarah ay para linawin ang isa pang fake news na nagsasabi na ang tatay daw ng kanyang panganay ay si late ambassador Roy Seneres.

“Si late ambasador Roy po ang tumulong sa akin nu’ng ako ay nabuntis. Tinulungan niya ako para hindi kumalat sa public. Para hindi masira ang image ko noon at ‘yung image nu’ng taong ‘yun.

“Kinupkop ako at itinago ni ambassador pero ang nakakalungkot, e, sinasabi nilang siya raw ang ama,” paliwanag pa niya.

May nagsabi rin noon na si William Gatchalian daw ang posibleng ama ng kanyang panganay na idinenay din ni Sarah dahil tumulong lang daw ito sa kanya noon at nagbigay ng 40K USD na blood money noong panahong nagkaroon ng malaking kaso sa UAE.

Si Gatchalian ay isang malaking negosyante na ama ni Senator Sherwin.

Isa rin sa mga itinuro noon na posibleng ama ng kanyang anak ay ang broadcaster na si Rey Langit.

“Nagkakilala kami ni Arnold nu’ng panahong ako ay nakapiit pa at dinalaw nila ako doon.”

“Naging close kami noon ni ‘Kuya Arnold’…at nu’ng unuwi ako sa Pilipinas noon August 1, 1996, isa po siya sa mga nag-cover ng kaso ko. Naging exclusive la nga niya ang story.”

“Alam niyo naman kung gaano siya ka-kengkoy. Hindi kang ‘yung mukha niya kundi pari na rin ‘yung sense of humor niya. Kahit umiiyak ako, e, napapatawa niya ako.”

“Galing ako sa kulungan noon and just imagine kung gaano ako ka-vulnerable noon pero hindi ko po idya-justify kung ano ang nagawa ko po.”

“Si ‘Kuya Arnold’ din ang kauna-unahang tao na nagpasyal sa akin sa Maynila. At siya rin ang kauna-unahang tao na nagyayang manood sa akin ng sine,” kuwento pa ni Sarah.”

Sa kasalukuyan ay may asawa at pamilya na si Clavio at humihingi ng tawad si Sarah dahil sa naging relasyon nila noon at sa kanyang revelation ngayon sa FB live.

“Saludo ako sa maybahay ni Arnold dahil pinatawad niya ang kanyang mister at ang asawa rin niya ang nag-reach out sa akin at sinabi niya na, ‘Sarah, I forgive you!’”

Humingi rin ng tawad si Sarah sa kanyang panganay dahil sa hindi magandang sitwasyon nang ito ay pinanganak.

Pinaliwanag din ni Sarah kung bakit itinago niya ang katotohanang ito sa mahabang panahon.

“Ang sabi kasi sa akin noon ni Arnold, e, walang aminan. Kahit ano raw ang mangyari, e, ‘wag akong aamin.”

“I was 17 years old nu’ng mga panahon na ‘yun at talagang napaniwala niya ako.”

“Pero naka-move on na ako at matagal ko ng napatawad si Arnold Clavio.”

FYI, si Sarah ay naging kontrobersiyal noong mid-90s nang nakulong siya sa UAE for murder.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.