Satisfaction rating ni VP Robredo, balik muli sa “good” 0 +33 – SWS Survey

Umangat ang rating ni Vice President Leni Robredo patunay nang mas maraming Pilipino ang kuntento sa performance niya sa ikatlong kwarter ng 2019, base sa Social Weather Stations survey.

Umakyat muli sa “good” o +33 ngayong September ang rating ng Pangalawang Pangulo, 5-puntos na mas mataas mula sa “moderate” +28 rating ni Robredo noong Hunyo.

Tumaas din ang satisfaction rating ni Robredo sa Mindanao na umarangkada sa 17 puntos mula sa “moderate” +15 noong Hunyo at “good” +32 noong Setyembre.

Nasa 56 porsyento mula sa 1,800 Pinoy na respondents ng sarbey ang nagsabing kuntento sila sa performance ng Bise Presidente, habang 23 porsyento naman ang nakukulangan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.