Satur Ocampo at mga kasamahan nito, kakasuhan ng kidnapping -PNP Chief Albayalde

Kakasuhan ng kidnapping si dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo at ang kanyang mga kasama na tumangay sa 14 na menor de edad mula sa Salugpungan School, Davao Del Norte.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde sa kanyang regular press conference sa Camp Crame ngayong umaga.

Pinaliwanag ni Albayalde, hindi dinismiss ang unang kasong kidnapping na sinampa ng PNP laban sa grupo, kundi, hindi lang ito tinanggap ng piskal.

Kaya ngayon aniya ay i-re-refile ng PNP ang kaso kasama ang pormal na reklamo ng ilang mga magulang ng bata na tinangay umano ng grupo ni Ocampo.

Kasabay nito, mariing itinanggi ni Albayalde na nag-iimbento lang sila ng kaso laban kay Ocampo.

Hindi aniya maaaring magsampa ng kung anu-anong kaso ang PNP laban kanino man nang walang lehitimong complainant.

watch the video here:

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.