Sec. Cusi, dapat managot sa nararanasang kakulangan sa suplay ng kuryente at brownouts — Sen. Pacquiao

Nais ni Senador Manny Pacquiao na managot si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi para sa nararanasang kakulangan ng suplay ng kuryente at rotational brownouts ngayon ng bansa.

Sa isang privilege speech, pinahayag ni Pacquiao ang kanyang pagkaka-dismaya sa hindi pagtupad ng kalihim sa binitiwan nitong mga pangako sa Senate hearings na walang magiging power interruptions ngayong tag-init.

Aniya, sa limang taong panunungkulan bilang kalihim ng DOE ay paulit-ulit na ring naharap sa ganitong klase ng problema sa suplay ng kuryente ang bansa.

Giit ng senador, si Cusi ang may pananagutan dito bilang Energy Secretary dahil nasa kanya aniya ang command responsibility sa pagresolba ng problema.

Kasabay nito, hiningi ng mambabatas ang pag aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isyu.

Samantala, pinuna rin ni Pacman ang aniya’y pagprayoridad ni cusi sa pulitika bago ang pagresolba sa problemang kinakaharap ng energy sector ng bansa.

Sinabi ng senador na kung ano man ang isyu sa kanilang partidong PDP-Laban ay maaari naman itong solusyunan sa tamang panahon at dapat muna nitong unahin ang problema sa energy suplay na nakakaapekto sa mga estudyante, manggagawa, negosyo at maging sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.