Sec. Delfin Lorenzana may buwelta kay Rep. Neri Colmenares: Huwag gamitin ang Sagay massacre para sa kampanya

Sec Delfin Lorenzana binuweltahan si Rep Neri Colmenares Huwag gamitin ang Sagay massacre para sa kampanya

Binuweltahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Human Rights lawyer Neri Colmenares na huwag gamitin ang Sagay massacre para sa pangangampanya.

Ito’y matapos na isisi sa gobyerno ni Colmenares ang nangyaring pamamaril at pagpatay sa siyam na magsasakang miyembro ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) sa bayan ng Sagay, lalawigan ng Negros Occidental noong Sabado ng gabi.

rally-sagay

Sa isang statement, sinabi ni Lorenzana na ang agarang paninisi sa gobyerno ni Colmenares at ng kanyang partido ay pagpapakita lang kung gaano sila ka desperado na siraan ang Pangulo para makuha ang atensyon ng publiko.

Ayon kay Lorenzana, bilang isang abogado dapat ay alam ni Colmenares na hindi makatarungan na magbintang nang walang pruweba.

Giit ni Lorenzana, may ongoing investigation na kaya dapat ay tumigil muna sa pagbibigay ng anumang pahayag hanggang sa lumabas ang findings ng imbestigasyon.

Malinaw aniya na nais lang samantalahin ni Colmenares ang pagkamatay ng mga magsasaka para isulong ang kanyang politikal na ambisyon.

Si Colmenares na dating Bayan Muna party-list representative ay tumatakbo sa 2019 elections bilang opposition senator sa ilalim ng Makabayan block.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.