Sec. Dominguez, Ekonomiya ng Pinas kailangang buksan kahit may pandemya

Iginiit ni Finance Secretary Carlos Dominguez na kailangan nang magbukas ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandemya.

“We have signed up almost $9 billon worth of loans. The interest of these loans are very low, and the term is very long. So we have to thank our multi-lateral agencies and countries like Japan who have been providing good financing for us,” saad ni Dominguez.

Sa mga utang ng bansa, 70 porsyento rito ay mula sa local market habang 30 porsyento ang mula sa ibang bansa.

Iniulat din nito na P130 bilyong dividends ng bansa ay mula sa state-owned na mga kompanya.

Dagdag nito na malaki ang naitulong ng TRAIN law at rice tariffication law sa pagtugon ng bansa sa pandemya.

Base sa ulat ng kalihim, nakakolekta ang bansa ng P1.821 trilyon mula sa buwis at customs mula Enero 1 hanggang Setyembre 30 na mas mataas tinatayang P1.682 ng departamento.

Sa bilang na ito, mas mababa ito ng 12 porsyento kumpara nitong nakaraang taon bunsod ng pandemya.

“We have a good economy. What is happening is that this very strict quarantine is holding it back. We have to really open the economy more,” punto nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.