Sec. Dominguez sa POGOs na aalis sa bansa, kailangan pa ring magbayad ng buwis

Kailangan pa ring magbayad ng buwis ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) kahit pa umalis na ito sa bansa, ayon kay Finance Secretary Carlos G. Dominguez III.

Ayon kay Domiguez, isa sa mga naiulat na nagsara ang Don Tencess Asian Services Solution Inc., na “local licensee and already paying franchise tax.”

“It will be subjected to investigation before it will be given clearance to close by the BIR,” dagdag pa ng kalihim.

Isa sa mga nabanggit sa ulat ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ang SC World Development Group Ltd.

Ayon kay Dominguez, isa itong offshore licensee at “not registered with the BIR.”

“We still intend to go after its tax dues,” ayon kay Dominguez, kung saan tinutukoy nito ang Macau-based Suncity Group, na isinara na ang operasyon sa bansa.

Noong nakaraang buwan, naglabas ng tax guidelines at requirements ang Bureau of Internal Revenue bago makakuha ng clearance ang POGO licensees at service providers upang makapagsimula muli ng operasyon.

Kamakailan sa taong ito, nasa 60 na POGOs ang nabigyan ng licenses to operate ng PAGCOR, habang 218 service providers naman na may higit 108,000 na banyagang empleyado ang nakarehistro sa BIR.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Dominguez na nakapagtaya ng hanggang P20 bilyon sa isang taon ang DOF sa corporate at personal income taxes na maaaring makuha sa mga POGO.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.