Sec. Galvez Jr, ‘Nationa ID System’ napakahalaga para sa pagtugon ng pamahalaan sa lahat ng emergency

MAPAPADALI ng Philippine Identification System (PhilSys) ang paghahatid ng mahahalagang tulong at serbisyo ng pamahalaan kapag may malawakang emergencies. Ito ang inihayag ni Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer of the National Action Plan (NAP) on Covid-19, noong Hunyo 16.

Ayon kay Galvez, na siya ring presidential adviser on peace process, ang national ID system ay magiging napakahalaga sa pagtugon sa mga emergency gaya ng kasalukuyang health crisis sa ating bansa.

“We believe that having a national ID system in place will be crucial, especially at this time when the government carries out measures to curb the spread and mitigate the impact of the Covid-19 pandemic, and the nation transitions to the new normal,” pahayag ng kalihim.

Aniya, kung may national ID system para sa lahat ng Pinoy ay nakatulong sana iyon sa pamahalaan sa isinasagawang contact-tracing, at mabilis at epektibo sanang natukoy ang potential carriers ng virus para maihiwalay agad sila malayo sa matataong komunidad.

“This is the reason why President Rodrigo Duterte has strongly pushed for the national ID system, as he foresaw the possibility of such emergency situations arising during his term,” ayon sa kalihim.

Ayon kay Galvez, ang Philsys ay naging mahalagang instrumento sana ng pamahalaan para mapalakas ang kakayahan ng lahat ng line-agencies sa pagtugon sa health crisis.

“As President Duterte has pointed out, we would have avoided all the problems we are experiencing now, particularly in the distribution of government aid, if the national ID system is already being implemented,” pahayag pa ng kalihim.

Layunin ng Philsys na magpalaganap ng “seamless delivery of service to improve the efficiency, transparency, and targeted delivery of public and social services”.

Ito rin ang magpapatupad ng “single national identification system” para sa lahat ng Pilipino kabilang na ang resident aliens.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.