Sec. Galvez: ‘Wag nang maghintay sa ‘best’ vaccine: Pagpapabakuna moral obligation ng Pinoy

“Ito po ay moral obligation ng lahat ng mga tao.”

Ganito ang turing ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mensahe na rin niya sa publiko kasabay ng pagsisimula ng vaccination program ng gobyerno nitong Lunes, Marso 1 sa kabila ng mababang kumpyansa ukol sa Sinovac vaccine ng Tsina.

“Hindi po tayo pupunta sa new normal, hindi po makaka-recover ang ating economy, hindi natin maibabalik ang ating dating buhay kung hindi tayo magpakuna. Ito po ay moral obligation ng lahat ng mga tao,” ani Galvez sa press briefing sa vaccination roll out ng gobyerno.

Lunes nang isinagawa ang makasaysayang unang legal na pagbabakuna sa bansa kung saan unang naturukan si Philippine General Hospital Director Dr. Gap Legaspi, na sinundan ng ang ilang mga doktor at health workers sa iba’t ibang opsital sa Metro Manila.

“Huwag nating hintayin iyong tinatawag na best vaccine. There is no such [thing as] best vaccine dahil ang pinaka-best vaccine iyong effective at efficient na dumarating ng mas maaga,” panghihikayat niya pa sa publiko.

Maging ang kalihim ay naturukan na rin ng bakuna na kabilang sa 600,000 dose na donasyon ng Tsina.

Siniguro rin ng kalihim ang pagdating ng isang milyong dosage ng Sinovac vaccine sa bansa ngayong Marso, maging ang 3.5 million COVID-19 shots ng AstraZeneca mula sa COVAX facility.

Sa kabuuan ay mayroong 5.1 million doses sa katapusan ng Marso, dagdag pa ng kalihim.

Nananatiling ang medical frontliners ang prayoridad sa nasabing pagbabakuna pero kapag may tumanggi rito ay ayos lang naman.

Mapupunta ang nakalaan ng bakuna sa kanila sa secondary list tulad ng essential government workers na barangay emergency response teams, at “influencers” tulad ng mga alkalde para mapataas ang kumpyansa ng publiko, dagdag pa ng vaccine czar.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.