Sec. Lorenzana, nanawagan sa China na tigilan ang “incursion”sa EEZ ng Pilipinas

Nanawagan si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa China na tigilan ang kanilang pagsalakay sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa isang statement, sinabi ng kalihim na nakakabahala ang napaulat na presensya ng 220 barko ng Chinese Militar sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Ayon sa kalihim, ang naturang teritoryo ay nasa loob ng EEZ at Continental Shelf ng bansa, na tanging mga Pilipino lang ang may karapatan sa likas-yaman ng lugar alinsunod sa international law at 2016 arbitral ruling.

Giit ng kalihim, ang aksyon ng China ay malinaw “provocative action” sa militarisasyon ng naturang karagatan.

Sinabi ng kalihim na dapat i-recall ng China ang kanilang mga barko, kasabay ng pagbibigay diin na determinado ang Pilipinas ng itaguyod ang “sovereign rights” ng bansa sa West Philippine Sea.

Dagdag ng kalihim, nakikipag-coordinate na ang Department of Defense sa Philippine Coast Guard, National Task Force for the West Philippine Sea, at Department of Foreign Affairs para sa kaukulang aksyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.