Sec Panelo binanatan si Robredo, “they are always finding fault to the language of the President”

Tiniyak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nag-uusap sila ni Pangulong Rodrigo Duterte bago maglabas ng mga statement ang Palasyo.

watch the video here:

Matatandaan kasi na sinabi ni Vice President Leni Robredo na dapat ay mag-usap muna si Panelo at ang Pangulo, upang hindi nagkakaiba ang kanilang mga statement.

Ginawa ni VP Robredo ang pahayag, matapos aniyang i-clarify ni Panelo ang sinabi ng Pangulo kaugnay sa pagsasaisantabi ng arbitral ruling para sa joint exploration ng Pilipinas at China.

Ayon kay Panelo, nag-uusap sila ng Pangulo lalo na kung malalaki ang mga isyu. Ang problema aniya kina VP Robredo, ay palagi nilang hinahanapan ng mali ang mga pahayag ng Pangulo at hindi nila pinakikinggan ang mga official statement na inilalabas ng Palasyo.

Muli namang iginiit ni Panelo, na ang sinabi ng Pangulo kaugnay sa arbitral ruling ay hindi tuluyang pagsasaisantabi nito bagkus ay pansamantala lamang habang inuuna ang iba pang usaping mayroong kinalaman sa interes ng Pilipinas at China.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.