Sec Panelo, magsasampa ng kasong libelo laban sa Inquirer at Rappler

Inanunsyo kahapon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na magsasampa siya ng kasong libelo laban sa Inquirer. net at Rappler.

Ito ay may kaugnayan sa article ng mga ito, kung saan nakasaad na in-endorse ng kalihim ang liham kaugnay sa aplikasyon ng executive clemency ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na convicted sa kasong rape at murder.

Muling iginiit ni Panelo na hindi niya inindorso bagkus ay ini-refer lamang niya sa Bureau of Pardons and Parole ang liham ng anak ni Sanchez at hinayaan na ito na ang mag evaluate at magpasya dito.

Ayon kay Panelo, iresponsable, malisyoso at libelous ang article ng mga ito dahil sinubukan raw siyang i-discredit at dungisan ang kaniyang integridad sa publiko.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.