Sec. Panelo sa ICC, ‘wag nang pakialaman ang mga reklamong wala naman silang hurisdiksyon

Hindi na dapat pang pag-aksayahan ng panahon ng International Criminal Court (ICC) ang anomang reklamo o kaso na wala naman sa kanilang hurisdiksyon.

Ang pahayag ay ginawa ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo ngayong isang taon na ang nakalilipas ng pormal na bawiin ni Atty. Jude Sabio ang reklamo nito sa ICC laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Panelo na dapat nang mapagtanto ng ICC na ginagamit lang silang platform ng mga namumulitikang indibidwal gaya halimbawa ni dating Senador Antonio Trillanes.

Hindi na ani Panelo sila nagtaka pa sa isinawalat ni Atty. Sabio na si Trillanes ang siyang may kamay sa naturang ICC complaint gayung obsesyon talaga aniya ni Trillanes na sirain ang Pangulo matapos matanggihan na maging ka-running mate noong 2016.

Kaya payo ni Panelo sa ICC, huwag nang mag-aksaya ng oras sa mga bagay na wala naman sa poder nito gayung nagiging politicized court lang aniya ang dating nito dahilan para kumalas na ang maraming mga bansa na dating miyembro nila.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.