Sec. Tugade hinikayat ni Pangulong Duterte na tumakbong senador sa 2022

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Transportation Secretary Arthur “Art” Tugade na ikonsidera ang pagsabak sa 2022 senatorial race.

Pahayag ni pangulo, “I’d like to congratulate you and we still have a few months to go. I hope you can complete the projects and I hope that you consider running for senator of the Republic of the Philippines.”

Sa Talk to the People Address nitong Miyerkules ng gabi,Hulyo 28, pinuri ni Pangulong Duterte si Tugade sa talento at pagiging dalubhasa nito sa pagpapatakbo sa Department of Transportation (DOTr).

“Art, I cannot express in words the appreciation of this government of your talent and expertise in running your department. You are one of the top performers,” saad ng pangulo.

Kinilala ng punong ehekutibo ang mga naging accomplishments ng DOTr sa loob ng nakalipas na 5 taon na panunungkulan ng administrasyon.

Muling sinabi ng presidente na hindi siya nagkamali sa kanyang desisyon na italaga si Tugade bilang head ng DOTr.

“I think the country really needs you badly. Real bad – Hindi ako nagkamali. Mahusay ka kaya kinuha kita . So it bore fruit. Ngayon nakikita ko na I made the right decision.”

Dahil dito, binanggit ng chief executive na mawawalan ang bansa ng isang ‘competent public official’ gaya ni Tugade kapag bababa na ito sa pwesto sa susunod na taon pagkatapos ng termino ng Duterte Administration.

“Sayang ang gobyernong ito ‘pag nawala ka, sa totoo long ……manghinayang ka,” sabi pa ng pangulo.

Maliban kay Tugade, nasasayangan din si Pangulong Duterte sa iba pang cabinet members na lilisan na rin sa kanilang tungkulin pagkatapos ng kanyang termino.

Aniya, ” Nanghinayang ako sa inyo ikaw si Villar, ibang cabinet members jan….sampung taon puro drawing lang.

Sa kabilang banda, ikinatuwa at pinasalamatan naman ni Tugade ang pangulo sa “generous” remarks nito.

Kung matatandaan, sinabi ng isang mataas na opisyal ng PDP-Laban na sinisimulan na umano ni Pangulong Duterte ang listahan ng mga posibleng kasama sa senatorial candidate na kanyang i-endorso para sa 2022 national elections.

Subalit inihayag na rin ng Malakanyang na bagama’t may nababanggit palagi si Pangulong Duterte na ilang mga pangalan ay wala pa talagang listahan na nalalaman ang Palasyo na final list na susuportahan ng presidente na senatorial candidates sa 2022.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.