Sec. Vince Dizon, kayang pigilan ang COVID-19 kung lahat ay magtutulungan

Iginiit ni National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon na kayang pigilan ang pagkalat ng COVID-19 kung lahat ay magtutulungan.

Sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF), National Task Force COVID-19 at Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team sa Central Luzon, binigyang halimbawa nito ang mga interbensyon na ginawa sa Cebu na nakatulong sa pagpigil ng pagkalat ng virus.

Naging epektibo aniya ang ipinatupad na intervention-based PDITR o Prevent – Detect- Isolate -Treat- Reintegrate Strategy, isang community-based best practices na pamamahala para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sinabi ng mga eksperto kaya umanong pigilan ang transmission ng 85-90% kung istrikto ang pagpapatupad at pagsunod sa mga health protocols at ang pagtutulungan ng bawat isa.

Sinabi pa ni Dizon sa ilalim ng National Action Plan Phase 2 kaya umanong pagsabayin ang pagbubukas ng ekonomiya ng dahan-dahan at ang pagkontrol sa kaso ng COVID.

Samantala, iniulat naman ni OCD-3 Regional Director at Regional Task Force-3 Chairperson Director Maria Theresa Escolano na umabot na sa 6,965 ang confirmed cases sa Central Luzon, 2,440 ang recoveries, 4,351 ang active cases at 174 ang namatay na.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.