Secretary Panelo – Traffic Crisis, hindi Transport Crisis meron ang bansa

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na traffic crisis ang mayroon sa bansa at hindi transport crisis.

Ito ang pinanindigan ni Secretary Panelo matapos kumasa sa commute challenge kaninang umaga, kung saan nagsimula itong bumiyahe alas-5:15 at nakarating sa Malacañang ng alas-8:46 kaninang umaga.

Ayon sa kalihim, traffic crisis ang mayroon sa bansa dahil bukod sa volume ng mga sasakyan na bumabiyahe sa mga kalsada, nakakadagdag rin sa pagbigat ng trapiko ang mga traffic violator.

Idagdag pa aniya ang hindi efficient na traffic management at ang kondisyon ng mga kalsada.

Bukod dito, huli na raw nang 20 taon ang mga imprastruktura sa bansa.

Sinabi ni Panelo, na kahit hindi na mag-commute challenge, batid naman ng pamahalaan ang problema ng bansa sa trapiko, at ginagawan naman ito ng paraan ng mga kinauukulang ahensya at departamento, kahit pa hindi ipinagkaloob sa administrasyong Duterte ang hinihinging emergency powers.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.