Sen. Antonio Trillanes IV nakauwi na sa kanyang bahay.

92912

Sen. Antonio Trillanes nakauwi na sa kanyang bahay matapos ipagpaliban ng Makati RTC Branch 148 na maglabas ng resolusyon sa mosyon ng DOJ ng mag- isyu sila ng Hold departure order at Alias Warrant of Arrest laban sa Senador.

Pagkatapos ng halos isang buwan na pamamalagi sa Senado nagpasya ng umuwe ng bahay. Hindi kasi naglabas ang Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 148 ng resolusyon sa hirit ng Department of Justice (DoJ) na maglabas ng hold departure order (HDO) at alias warrant of arrest laban sa senador.

READ: Makati RTC Branch 150 nag-isyu ng warrant of arrest at hold departure order laban kay Sen. Antonio Trillanes IV 

Sa pagharap sa media, sinabi ni Trillanes na ipagdiriwang niya kasama ang pamilya at kaibigan ang pasya ng korte.

Panoorin ang kanyang Press Briefing:

 

“One big realization that we had is marami palang nagmamalasakit na Pilipino. Minsan iisipin mo na kakaunti lang kayong lumalaban at tumatayo. Pero nu’ng mangyari ito ay lumabas sila, nagsalita sila at nakiramay sila,”

Itinuturing din ng senador na “Victory” para sa kaniyang panig ang pagpapaliban ng mababang korte sa paglalabas ng resolusyon sa hirit ng DOJ na warrant of arrest at hold departure order.”

“Lalong tumitibay ang ating paninidigan dahil diyan. Lalo tayong namo-motivate, and nai-inspire to continue doing what we are doing.”

“Nailabas ang story through the media. Kung ‘di ganito ang binigay niyong atensiyon tinabunan na ng mga trolls ng kasinungalingan ng gobyerno at ni Duterte. Disadvantage—siyempre you don’t get to be with your loved ones as much as you want to pero nababalanse naman.”

“Let’s just say I’m going to risk it. Naipresenta na natin ang katotohanan sa episode na ito. Malinaw sa Armed Forces na wala akong kasalanan dito. I’m sure hindi sila magpapakasangkapan sa mga ganitong political persecutions.”

“Deliberately hindi namin sinabi ‘yung mga nangyari dito. So just before ako na naipit dito, na-confine siya so that’s the last time na nagkita kami. Then paglabas niya sa ospital after a few weeks, binalik uli. Nandito na ako at hindi namin ma-risk na magkagulo-gulo pa sa ospital at kung ‘di pa maliwanag ang sitwasyon kung pinilit kong lumabas, baka di ko rin makita ang nanay ko dahil du’n nga sa mga nangyari,” the senator explained.
“In that sense nagpapasalamat tayo kay Duterte at pinalakas niya ‘yung oposisyon,” ayon kay Trillanes.

929121

Ayon sa abogado ni Trillanes na si Atty. Rey Robles, nakatanggap ang mga ito ng order na nagse-set ng panibagong hearing sa kaso ni Sen. Trillanes sa Makati City RTC Branch 148 kaya wala silang inilabas na resolusyon sa kaso.

Ang kasong kudeta ni Trillanes ay binubuhay sa Makati City RTC Branch 148 sa pamamagitan ng Proclamation No. 572 na nagbo-void sa amnesty ng senador.

Sa order ng korte, sinabi ni Judge Andres Soriano isasagawa ang hearing para madinig ang bawat panig para mapakinggan ang bawat ebidensya at didinggin kung may basehan na buksan muli ang kaso at nakatakda ito sa Octubre 5 2018.

 

Mga reaksyon ng mga netizens:

t1

t

Source: Facebook

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.