Sen. Binay, ikinatuwa ang pagkakaroon ng tax-free benefits para sa mga retirado sa ilalim ng Bayanihan 2

Ikinagalak ni Senador Nancy Binay ang pagkakasama sa Bicameral Conference Committee Report ng panukalang Bayanihan 2 ng probisyon tungkol sa pagbibigay ng tax-free benefits sa mga retirees.

Una nang isinulong ni Binay ang pagkakaroon ng tax-free retirement benefits ng mga empleyadong nagretiro mula sa mga pribadong kumpanya mula June 5 hanggang December 31 ng taon upang matulungan ang mga manggagawang sapilitang pinagretiro dahil sa COVID-19 crisis.

Ayon sa senadora, sa pamamagitan nito ay mas mapakikinabangan ng buo ng mga empleyadong pinag-force retire o mga nag-avail ng optional retirement packages ng kanilang mga kumpanya ang kanilang mga benepisyo.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, tanging ang mga retirees lamang na nagsilbi sa kanilang kumpanya ng hindi bababa sa 10 taon at may edad 50 pataas nang magretiro ang kwalipikado sa tax exemption.

May parusang kriminal rin para sa mga indibidwal na mahuhuling nanloloko upang makuha lamang ang benepisyong ito.

Giit ni Binay, anumang revenue na mawawala sa pamahalaan dahil sa naturang tax exemption ay mababawi rin naman dahil sa value-added tax (VAT) ng mga binibili.

Ang mahalaga aniya ay ang mabigyan sila ng dagdag na panggastos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.