Sen. Bong Go, hinamon si VP Robredo “Accept the Job” ang posisyong ibinigay sa kanya ni PRRD bilang drug czar

Hinamon ni Senador Christopher ‘Bong’ Go si Vice President Leni Robredo na tanggapin na ang pagiging co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti Illegal Drugs (ICAD).

watch the video here:

Ayon kay Go, welcome sa kanya ang pagkakatalagang ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kay VP Robredo.

Mensahe ng senador sa bise presidente, subukan ang trabaho ng Pangulo pagdating sa aspeto ng pagsugpo sa ilegal na droga, upang malaman nito kung gaano kalaki ang problema.

Maaari aniyang mayroon itong maibigay na bagong stratehiya para matuldukan na ang paglaganap ng ilegal na droga sa bansa.

Nilinaw naman ni Go, na nais niyang magtagumpay ang bise presidente sa bagong tungkulin na ito.

Unahin lang aniya nito palagi ang kapakanan ng mas nakararaming Pilipino.

Pagkatapos aniya ng termino nito sa ICAD hanggang June 30, 2022 ay saka mahuhusgahan ng publiko ang naging trabaho ni Robredo.

Kapag nagtagumpay aniya ito ay ikatutuwa at babatiin nila ito.

Pero ikalulungkot aniya nila kung mabibigo ang bise presidente lalo’t sa ngayon, batay sa survey, ay nasa 82 percent ng mga Pilipino ang satisfied o kuntento sa war on drugs ng administrasyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.