Sen Bong Go, ipinanukala ang Task force laban sa ahensyang may kurapsyon

Sa gitna ng di umano’y sistematikong korapsyon na humahambalos ngayon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ay inirekumenda ni Senador Bong Go kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paglikha ng Task Force na magi-imbestiga sa mga anomalyang nakapalibot sa ahensya.

“I have recommended to President Rodrigo Duterte to consider the creation of a Task Force to investigate the issues surrounding PhilHealth. The Task Force can be spearheaded by the Department of Justice with the full support of the Office of the Ombudsman, the Commission on Audit, the Civil Service Commission and the Office of the Executive Secretary. The Presidential Anti-Corruption Commission may also be tapped to help out,” ayon kay Go.

Idinagdag pa ni Go na tutukan ngayon ng Task Force ang PhilHealth subalit sa kalaunan ay sakop na rin nito ang mga ahensiya na may isyu ng sistematiko at malalim na ugat ng korapsypn gaya ng Bureau of Customs na patuloy na inaakusahan ng di umano’y anomalya sa hanay nito.

“Hindi lang naman po PhilHealth ang may problema, alam natin na may iba pang mga ahensya dyan na kailangang gamutin para tuluyang matanggal ang corruption sa kanilang sistema. Halimbawa nito ay ang customs,” ang pahayag ni Go.

Binigyang diin ni Go ang pangyayari nang maharap ang mga Filipino sa krisis sa pangkalusugan ay kaagad na umaksyon ang pamahalaan upang tugunan ang isyu ng korapsyon sa pamamagitan ng “whole-of-government approach” na maaaring gawin ng panukalang Task Force na may “enough teeth” para madala ang “six key mandates” nito gaya ng mag-imbestiga, magsagawa ng lifestyle check, audit, mag-rekomenda ng suspensyon, maglitis at magsampa ng kaso at ipakulong ang mga responsable sa anomalya.

“Itong isyu sa PhilHealth, halos taon taon na ito iniimbestigahan ng Senado. Naka ilang palit na rin tayo ng liderato, pang-apat na PhilHealth President na ito, at nagkaroon na rin ng board revamp, pero mukhang nasa loob ng ahensya at sa baba talaga ang problema,”ayon kay Go.

“Ang papel ng Task Force ay mag-imbestiga, mag-file ng kaso, mag-recommend ng suspension, mag-lifestyle check, mag-audit at maglagay sa kulungan ng mga opisyal at empleyado na mapatunayang nagnanakaw ng pera ng taumbayan. Hindi lang sa mga nasa taas kundi pati rin ‘yung mga kawani ng gobyerno under the Civil Service na mapapatunayang parte ng maduming sistema ng korapsyon,” paliwanag ni Go, chairman ng Senate Committee on Health.

Sa kabila ng patuloy na pagsusumikap na i-reporma ang PhilHealth, ay sinabi ni Go na nananatili namang kontaminado ito ng alegasyon ng sistematikong korapsyon partikular na sa gitna hanggang pababang antas ng organisasyon at ang atake aniya ay hindi lamang dapat iasa sa liderato nito para linisin ang kanilang hanay.

“Paano matutulungan ng PhilHealth ang mga Pilipinong kailangan magpagamot kung ang sarili nitong sakit sa loob ng ahensya ay hindi nito magamot?,” ani Go.

Sinabi pa ni Go na ang kampanya ng pamahalaan laban sa korapsyon at kriminalidad ay nagpapatuloy lalo pa’t matatag ang posisyin at layunin ni Pangulong Duterte na ihinto na ang ganitong mga anomalya.

“Exhausted na po ang ating Pangulo pero hindi po siya titigil na labanan ang corruption until the last day of his term. Umabot na sa punto na sinabihan niya ako ‘to talk like an opposition’ kapag corruption na ang pinag-uusapan,” ang pahayag ni Go.

Binigyang diin ni Go ang mahirap na gampanin ng PhilHealth bilang pangunahing implementor ng Universal Health Care Act.

“Huwag naman nating hayaang tuluyang mamatay ang PhilHealth sa panahon na kailangan ng taumbayan ng maayos na serbisyong pangkalusugan. As the President said, let us do everything in our power to, once and for all, put an end to the perennial issues surrounding PhilHealth and cure it from systemic corruption,” aniya pa rin.

“Pera ng taumbayan ang bumubuhay sa PhilHealth kaya siguraduhin natin na ni piso ay hindi masayang o manakaw. Ibalik natin ito sa tao sa pamamagitan ng mabilis, maayos, at maaasahang serbisyo mula sa isang gobyernong palaging nagmamalasakit sa bawat Pilipino,” dagdag na pahayag ni Go.

Samantala, binigyang diin ni Go na ang panukalang Task Force ay hindi lamang tututok sa PhilHealth kundi maging sa iba lang ahensiya ng pamahalaan para tuldukan ang tinatawag na ‘systemic corruption’ sa pamahalaan. government.

“Hindi titigil ang Pangulo sa kampanya nito laban sa korapsyon. Walang makakapigil at mas lalong walang pinipili na kakampi o kalaban ang Pangulo. Basta korapsyon, hihiritan at tutuluyan ka niya,” ayon kay Go.

Kaya ang babala ni Go ay hindi niya titigilan ang mga ito.

Gagawin aniya niya ang lahat para mabigyan ng hustisya ang mga Pilipino.

Sisiguraduhin din niyang mabubulok ang mga ito sa kulungan at may kalalagyan ang mga ito.

“Naniniwala akong meron pa naman diyan na gusto talagang magsilbi with all honesty and integrity kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa. Kailangan lang talaga ng mabisang gamot na tatalab talaga upang tuluyang matanggal ang korapsyon sa ating sistema,” diing pahayag ni Go.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.