Sen. Bong Go, naghain ng COC para tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 elections

Pormal nang naghain ng certificate of candidacy (COC) si Senador Christopher ‘Bong’ Go para kumandidato bilang bise presidente sa halalan 2022.

Personal siyang nagtungko sa Harbor Garden Tent, Sofitel Hotel sa Pasay City para sa ihain ang kanyang COC at sinamahan siya nina Pangulong Rodrigdo Duterte, Executive Secretary Salvador Medialdea at PDP-Laban President at Energy Secretary Alfonso Cusi.

Matatandaang sa orihinal na nominasyon ng PDP-Laban (Cusi wing), si Go ang nais nilang tumakbo bilang pangulo habang si Pangulong Duterte naman ang nais nila bilang bise presidente.

Gayunpaman, matapos i-anunsyo ni Pangulong Duterte na magre-retiro na siya sa pulitika, si Go na ang papalit na vice presidential candidate ng partido.

Sa ngayon ay wala pang imporasyon kung sino ang magiging presidential candidate ng PDP-Laban (Cusi faction).

Samantala, sa kanyang naging pahayag, sinabi ni Go na napag-desisyunan niyang tumakbo sa pagka-bise presidente upang maipagpatuloy ang mga programa ng administrasyong Duterte partikular ang laban kontra korapsyon, kriminalidad, ilegal na droga at kahirapan.

Nais rin aniya niyang ipagpatuloy ang Build Build Build program na sinimulan ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabi rin ng senador na hindi siya magiging spare tire lamang at totoo siyang magta-trabaho bilang public servant na madaling malapitan ng mga ordinaryong Pilipino.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.