Sen. Bong Go: sa panahon ngayon, Rescue effort ang dapat tutukan

“Mas mabuting tutukan muna ang rescue effort.”

Ito ang tugon ni Senador Bong Go nang matanong kung kontento siya sa isinagawang preemptive evacuation ng ilang local government units bago humagupit ang magkakasunod na bagyo sa bansa.

Sinabi ni Go na ang mahalaga ay mailigtas ang buhay ng mga Pilipinong apektado.

Ito din aniya ang dahilan kaya pinatiyak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na handang magamit ang assets ng gobyerno para masagip ang mga humihingi ng tulong.

Ayon kay Go, patuloy na tinututukan ng pamahalaan ang sitwasyon habang nagsagawa naman ng preemptive evacuation ang mga LGU samantalang nag-preposition naman ng relief goods at iba pang kailangan para makaresponde ang mga national agencies gaya ng DSWD.

Iginiit naman ni Go na kailangan na talaga ng mas epektibong mekanismo para maging holistic, integrated at streamlined ang disaster preparedness, response, recovery at rehabilitation efforts.

Dagdag pa ng senador, habang ipinaglalaban niya ang pagsasabatas ng Department of Disaster Resilience, nagbigay naman ng direktiba si Pangulong Duterte na tiyaking lahat ng ahensiya ay well-coordinated at handang tumugon sa pangangailangan ng mga apektado hanggang sa makabangon ang mga ito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.