Sen Bong Go sa publiko: i-report ang anomalya, kurapsyon sa gitna ng COVID-19 crisis

Hinikayat ni Senador Bong Go ang ang bawat Pilipino na magsumbong kung may nakikita o nalalamang korapsyong ginagawa ang mga opisyal o pribadong kompanya lalo na lung may kinalaman sa pagbili o pagbebenta ng medical supplies at equipment sa gitna ng ginagawang paglaban ng bansa para kontrolin ang coronavirus disease (COVID-19) outbreak.

“In times of crisis, every peso counts. While government maximizes its limited resources, a lot of our fellow Filipinos have also lost jobs, livelihood and savings. We are fighting for survival — as survival is the name of the game here. We should not allow corruption and abusive business practices to take advantage of the vulnerabilities of fellow Filipinos,” ang paliwanag ni Go.

“Kung may alam po kayo na mga abusadong mga indibidwal sa gobyerno man o sa pribadong sektor, huwag po kayo matakot magsumbong sa amin ni Pangulo… Ako po mismo magbubulong ng inyong hinaing kay Pangulong Duterte at sisiguraduhin natin na mapoprotektahan po kayo basta magsabi lang kayo ng totoo,” ang panawagan ni Go.

At gaya ng kanyang pangako ay lalansagin niya ang anumang anomalya na may kinalaman sa pagbili, pagbenta o distribusyon ng medical equipment ar supplies.

Binigyang diin ni Go ang pangangailan at partisipasyon ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan na sangkot sa paglaban sa COVID-19 pandemic na kuwentahin ang bawat piso na ginagastos mula sa public funds.

“Handa tayong mag-conduct ng investigation on all of these alleged overpriced medical supplies, equipment and packages, including the COVID-19 test kits,” ang pahayag ni Go.

“Kung makikita nating may korapsyon na nangyari, dapat papanagutin natin ang mga ahensya at lalong lalo na ang mga opisyal nito. Wala tayong papalampasin, at wala tayong pipiliin. Pera ng bayan po ito. Gamitin natin sa tama at wasto lalo na’t nakakatakot ang kinakaharap natin,” aniya pa rin.

“Dapat malaman natin kung inabuso ba o sinamantala ang pagkakataon ng krisis na ito para kumita ang mga taong nasa likod ng korapsyong ito kung mayroon man,” dagdag na pahayag ni Go.

Bilang miyembro ng Joint Congressional Oversight Committee on the implementation of the Bayanihan Heal as One Act, muling inulit ni Go ang pondong ipinalabas ng pamahalaan para tugunan ang health crisis ay dapat na “every centavo counts.”

At para naman maging patas, sinabi ni Go na bibigyan ng pamahalaan ng pagkakataon ang government agency at concerned individuals na ipaliwanag ang kanyang panig.

Sa kabilang dako, umapela naman si Go sa mga private individuals na huwag samantalahin ang situwasyon na kinahaharap ngayon ng mga filipino.

Hinikayat niya ang mga mamamayan na mag-report ng kahit na anumang anomalous activity na ginawa ng public officials, private individuals, o kompanya.

Samantala, sa virtual meeting kasama ang mga opisyal at key members ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) noong Miyerkules ay umapela si Go ng suporta at tulong mula sa businesses community at hiniling niya sa mga ito na tulungan ang gobyerno na makipag-cooperate sa anti-corruption initiatives.

“Hinihiling ko din po na tulungan ninyo kami ni Pangulong Duterte na labanan ang korapsyon sa gobyerno,” ani Go.

Tiniyak naman ni Go sa publiko na mananatiling bigilante at maingat ang pamahalaan sa paggastos sa public funds na inilaan para labanan ang COVID-19.

“Indeed, we need to improve our capacity in addressing pandemics like this. We hope that the measures we have discussed will address some of our weaknesses and gaps in handling public health emergencies. Let the pandemic be a lesson to all of us and use this experience to improve our health system,” diing pahayag ni Go.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.