Sen. Bong Go: Serbisyo sa Muslim, Katoliko, lahat ng Pinoy dapat pantay-pantay

Kasabay ng pagpapadala ng tulong sa mga biktima ng flashfloods sa Zamboanga city, iginiit ni Senador Bong Go na dapat pantay ang serbisyong ibinibigay sa mga Muslim, Katoliko at lahat ng Pilipino.

Sinabi ni Go na pantay-pantay ang pagtingin nila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pinoy kahit anuman ang relihiyon ng mga ito.

Ayon kay Go, hindi hadlang ang paniniwala, pananampalataya o antas ng buhay upang umasenso at magkaroon ng komportableng buhay.

Inihayag ni Go na sa katunayan ay tiniyak ni Pangulong Duterte na maipatupad ang Anti-Discrimination Ordinance sa Davao city noong alkalde pa ito kung saan gusto niya ding maipatupad ito sa buong bansa.

Naibahagi din ni Go na kada taon ay nagpapadala pa nga si Pangulong Duterte ng mga debotong Muslim sa Mecca kung saan pinipili ang mga pinaka-deserving bilang isang paraan para magkaisa ang bawat Pilipino kahit anuman ang relihiyon nito.

Binigyang diin ni Go na walang ibang magtutulungan kundi ang mga kapwa Pilipino kasabay ng panawagan sa mga residente na huwag mag-atubiling lumapit sa kanya lalo na sa mga gustong magpagamot sa Davao o sa Metro Manila

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.