Sen. Bong Revilla Jr., nagpositibo sa COVID-19

Kinumprima mismo ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na positibo siya sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa pamamagitan ng isang social media post ibinahagi ni Revilla ang naturang balita.

Dito tiniyak ng senador na nasa mabuti naman siyang kalagayan at bukod sa kanya ay negatibo naman sa COVID-19 ang kanyang asawang si Bacoor City Mayor Lani Mercado at ang kanilang mga anak.

Aniya, nagpatest sila at agad na nag-isolate matapos mayroong magpositibo sa kanilang tahanan at isa sa kanyang mga tauhan.

Sa ngayon ay susundin ni Revilla ang payo ng kanyang doktor na ituloy ang pagka-quarantine pero mananatili siyang under observation.

Huli aniya siyang nagtungo ng senado noong Lunes ng nakaraang linggo (august 3), at huling lumabas ng bahay noong Martes para sa ika-apatnapung araw na paggunita sa kamatayan ng kanyang amang si dating Senador Ramon Revilla Sr.

Si Revilla na ang ikaapat na senador na nagpositibo sa COVID-19 kasama sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senador Sonny Angara at Senador Koko Pimentel.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.