Sen. Bong Revilla, negatibo na sa COVID-19

Inanunsiyo ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla na tapos na niya ang kanyang self-isolation, matapos unang nagpositibo sa COVID-19 nitong August.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Revilla, na inabisuhan na siya ng kanyang mga doktor na maaari na niyang tapusin ang kanyang self isolation.

Kinumprima naman ng staff ng senador, na nagnegatibo na ang mambabatas sa COVID-19.

Matapos ang kanyang pagka-quarantine ng halos isang buwan, ikinagalak aniya ng senador na makakasama na niyang muli ang kanyang pamilya ng walang pangamba.

Katunayan, sa isang hiwalay na post, ay ibinahagi ni Revilla na nakasama na niyang kumain ng hapunan ang kanyang pamilya kagabi.

Nagpapasalamat ang senador sa mga nanalangin para sa pagbuti ng kanyang kondisyon.

Nitong August 9, ay inanunsyo ng senador ang pagiging positibo niya sa COVID-19, at isang linggo ang nakalipas ay isinugod naman siya sa ospital matapos mag-develop ng pneumonia at nakalabas rin matapos ang isang linggong pananatili sa ospital.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.