Sen Drilon: Konstruksyon ng Telco towers bibilis sa Bayanihan 2

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon mapabibilis ng Bayanihan to Recover as One Act o ang Bayanihan 2 ang konstruksyon ng cell towers sa bansa.

“Tatlong taon ang hiningi ng industriya para makumpleto ang pangangailangan sa karagdagang cell sites. Inalis natin yung mga requirements for the next three years except for the building permit. Wala ng red tape. Wala ng sagabal. Wala na silang rason na mahina pa rin ang linya pagkatapos ng tatlong taon,” giit ni Drilon.

Pinaalalahanan naman ng senador na maging maingat sa naging kasunduan sa Dito Telecommunity Corportation na maglalagay ng pasilidad sa loob ng kampo ng military.

“Ako hindi ko pabor na diyan ilagay sa mga military camps. Marami namang lupain na libre. Kaya ako hindi ako pabor diyan. Iyan ay nakakatakot, just to be candid about it,” dagdag pa nito.

Matatandaang nilagdaan n ani Pangulong Duterte ang Bayanihan 2 na magpopondo ng P165.5 bilyon para sa COVID-19 relief package na magiging epektibo hanggang Disyembre 19, 2020.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.