Sen Drilon, naghain ng resolution para ma-extend ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang 2022

Naghain ng joint resolution si Senate Minority Leader Franklin Drilon na layong i-extend ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang taong 2022.

Sa paghahain ng Senate Resolution no. 11, sinabi ni Drilon na kakailanganin pa ng dalawang kapulungan ng kongreso ng mas mahabang oras para pag-aralan ang application for renewal ng network.

Kaya habang ginagawa ang pag-review, ay dapat magkaroon ng legal na basehan ang pagpapatuloy ng operasyon nito.

Ayon pa sa senador, oras na mag-expire na ang prangkisa ng ABS-CBN ay natitiyak niyang kukuwestiyunin ng Solicitor General ang pagpapatuloy ng operasyon ng TV network… bagay na maaaring magresulta sa isang legal debate.

Dahil dito, mas mainam aniyang magkaroon ng legal na basehan o masasandalan ang nasa labing isang libong empleyado ng TV network, para maipagpatuloy nila ang kanilang trabaho.

Sinabi pa ni Drilon, na bagamat mayroong mga pananaw na maaari naman talagang magpatuloy ng operasyon ang ABSCBN hanggat nakabinbin pa sa kongreso ang kanilang franchise renewal, ito ay pananaw na kailangan pang kumpirmahin ng Korte Suprema.

Isinusulong rin ng senador, na maipasa na sa lalong madaling panahon ang naturang panukala, dahil magkakaroon na sila ng session break sa March 14 habang mag-eexpire naman ang prangkisa ng ABS CBN sa March 30.

Ang joint resolution na inihain ni Drilon, ay kailangan pa ng concurrence o pag-apruba ng Kamara at ng pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte, dahil ang epekto nito ay katumbas rin ng isang batas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.