Sen. Drilon, nanawagan sa publiko na makiisa sa pagtitiyak na di magagamit sa eleksyon 2022 ang pera ng bayan

Hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang publiko na maging mapaatyag at tiyaking hindi magagamit ng mga politiko ang pera ng bayan para sa 2022 elections.

Giit ni Drilon, kritikal ang magiging budget sa susunod na taon dahil bukod sa election year ito ay sa naturang pambansang pondo rin nakasalalay ang pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa.

Babala ng senador, dapat maging mapagbantay ang lahat para matiyak na ang perang makokolekta mula sa mga buwis ay maayos na magagasta at hindi magagamit lang para sa eleksyon.

Umaasa rin ang mambabatas na hindi maiimpluwensyahan at iiwasan ng mga opisyal na bahagi ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang anumang tangkang magamit ang pondo ng bayan para sa political ambition ng iilan.

Paalala ng minority leader na limitado lang ang resources ng Pilipinas ngayong nasa gitna pa tayo ng isang public health crisis at kailangan itong gastusin ng tama upang matugunan ang iba’t ibang problema ngayon ng bansa gaya ng pandemya, kawalan ng trabaho, at kagutuman.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.