Sen Drilon, pinaalalahanang maging maingat sa pagtanggap ng COVID-19 vaccine na ipamamahagi sa mga Pilipino

Pinaalalahanan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pamahalaan na iprayoridad ang kaligtasan ng mga Pilipino pagdating sa pagbili ng COVID-19 vaccine.

Ginawa ni Drilon ang naturang pahayag matapos sabihin ng Department of Science and Technology (DOST) na katanggap tanggap na ang 50 percent efficacy rate ng nadevelop na COVID-19 vaccine ng Chinese company na Sinovac Biotech.

Giit ng minority leader, malayong malayo ang efficacy rate ng sinovac sa ibang mga COVID-19 vaccine na available gaya ng sa Pfizer, Moderna at AstraZeneca.

Ayon sa senador, nauunawaan niya ang pagbalanse ng gobyerno sa kagustuhang magkaroon kaagad ng COVID-19 vaccine, presyo, availability, pagiging epektibo at logistics.

Gayunpaman, dapat aniyang unang una pa ring konsiderasyon at hindi isasakripisyo ang pagiging epektibo ng bakuna at ang kaligtasan ng mga Pilipino.

Sinabi rin ni Drilon na dapat maingat na ikonsidera ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang mga resulta ng pag-aaral sa mga bakuna at hintayin ang klarong mga guidelines mula sa scientific community at iba pang authorizing agencies kung dapat bang ibigay sa mga Pilipino ang Sinovac vaccine.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.