Sen. Drilon, pinabubuksan ang Senate inquiry sa iligal na droga kasunod ng alegasyon ni ‘Bikoy’ kay Poalo Duterte

Dapat na muling buksan ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon nito tungkol sa iligal na droga sa bansa.

Ito ang pananaw ni Senador Franklin Drilon sa gitna ng kumakalat na video sa social media kung saan idinedetalye ang kaugnayan diumano ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa illegal drug trade.

Ayon kay Drilon mainam na ipagpatuloy ng Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon para makapagpaliwanag at malinis nina Polong ang kanilang mga pangalan.

Magbibigay-daan aniya ang Senate investigation para pabulaanan ng Presidential Son at ni dating Agriculture Undersecretary Waldo Carpio ang mga alegasyon sa kanila.

Dapat rin aniyang sumipot sa ikakasang imbestigasyon si ‘Bikoy’ o ang taong makikita sa video na nagsasalita at nag-aakusa kila Polong.

Matatandaang Setyembre 2017 nang dumalo si Polong Duterte sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng smuggling ng P6 billion pesos na halaga ng shabu sa bansa kung saan siya ang isinasangkot. (RP)

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.