Sen. Franklin Drilon, hindi pabor sa pagpapasa ng Bayanihan 3 law

Hindi sang-ayon si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa panukalang bumuo ng isa pang Bayanihan law para sa pagtugon sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Para kay Drilon, walang katuturan ang pagkakaroon ng Bayanihan 3 at mas mainam na i-recalibrate o ayusin na lamang ang ating panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Aniya, sa ngayon ay epektibo pa ang Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2 law) hanggang December 19, 2020 at malaking bahagi pa ng pondo dito ay hindi pa nailalabas at ang ilan sa mga programang nasa ilalim ng naturang batas ay hindi pa naipapatupad.

Samantalang ang 2021 national budget ay magiging epektibo naman aniya simula sa January 1, 2021…

kaya naman dapat aniyang i-recalibrate na lamang ang nilalaman nito para magkaroon ng mas malaking pondo para sa COVID-19 vaccine, para sa Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at iba pang social services.

Muli ring binanggit ng senador ang kanyang mungkahing i-realign na lamang ang bahagi ng 19 billion pesos na anti-isurgency fund at 9 billion pesos intelligence at confidential fund sa ilalim ng 2021 proposed national budget para mas matugunan ang pangangailangan ng taumbayan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.