Sen. Gatchalian, binalaan ang Meralco kontra sa posible na muling biglang pagtaas ng bill sa kuryente

Nagbabala si Senate Energy Committee Chairman Senador Sherwin Gatchalian sa Manila Electric Company (MERALCO) at iba pang Distribution Utilities (DUs), kontra sa posibleng panibagong bill shock ngayong muling isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila at ilang kalapit-lugar nito.

Sa ilalim kasi ng MECQ ay posibleng hindi nanaman makapagbasa ng metro ang mga tauhan ng DUs at muling maapektuhan ang pagbabayad ng monthly electric bills.

Pinunto ni Gatchalian na matapos ang unang round ng ECQ ay nabulagta na ang konsyumers sa overestimation at underestimation ng Meralco at ang iba ay may refund pang dapat kunin.

Dahil dito, nanawagan ang senador sa Energy Regulatory Commission (ERC) at sa Department of Energy (DOE) na tiyaking hindi na mauulit ito sa pamamagitan ng paglalabas ng panibagong direktiba na naaayon sa community quarantine classification ng iba’t ibang lugar sa bansa.

Aniya, dapat ay natuto na tayo sa naging karanasan natin sa ilalim ng ECQ at MECQ noon, at ngayon pa lang ay ilagay na sa ayos ang mga bagay na posibleng pagmulan ng panibagong kalituhan sa mga konsumer.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.