Sen. Gatchalian, nais makatambal si Mayor Inday Sara sa 2022 elections

Inanunsyo ni Sen. Sherwin Gatchalian ang hangarin niyang tumakbo sa pagkabise presidente  kung si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang kaniyang magiging running mate para sa 2022 elections.

Ayon kay Gatchalian na naipaalam na rin nito kay Mayor Sara ang intensyon niya para sa darating na halalan.

Tiniyak naman ni Gatchalian na hindi sila magkakaroon ng conflict ni SP Sotto hinggil sa kaniyang posibleng pagtakbo din sa pagkabise presidente

Matatandaan na una ng inanunsyo ni Sotto na tatakbo ito sa 2022 sa pagkabise presidente.

Samantala, matapos kumpirmahin ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pagkikita sa magkapatid na sina senador Imee at dating senador Bongbong Marcos noong Sabado.

Lalong lumalakas ang ingay ng Duterte-Marcos tandem para sa halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Mayor Sara, ang naturang lunch meeting ay bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Wala namang sinabi ang alkalde kung ano ang napag-usapan nila ng magkapatid na Marcos sa naturang pagkikita.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.