Sen. Gatchalian, pinaboran ang paglalagay ng kawad ng kuryente sa ilalim ng lupa

Suportado ni Senate Committee on Energy Chair Senator Sherwin Gatchalian ang paglilipat ng mga kawad ng kuryente sa ilalim ng lupa.

Layon nito, na maiwasan ang paulit-ulit na pagkaantala ng kuryente sa mga probinsya, partikular sa Eastern Visayas sa tuwing may sasapit na kalamidad.

Ayon kay Gatchalian, pasok ang naturang plano sa Electric Cooperative Resiliency law, kung saan layon ng nasabing batas na matiyak ang tibay at tatag ng suplay ng kuryente ng mga power distributor sa kani- kanilang mga nasasakupan.

Kinakailangan aniya na magsumite taon – taon ang mga power distirbutor ng kanilang plano, kung paano mapapatibay ang kanilang pag-suplay ng kuryente, at kabilang dito kung magkanong halaga ang kinakailangan.

Desisyon naman ng Energy Regulatory Commission kung gobyerno, consumer o hati ang magiging sagot sa halagang kakailanganin.

Kumpiyansa si Gatchalian, na bagamat hindi kaya ng madalian ang nasabing plano ay sa mga susunod na taon ay masisimulan na ang paglalagay ng kawad ng kuryente sa ilalim ng lupa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.