Sen Gatchalian sa DPWH, DepEd, magtayo ng Typhoon-resistant school building

Hinikayat ni Senador Win Gatchalian ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Education (DepEd) na magtayo ng typhoon resistant school building upang hindi maantala ang pag-aaaral ng kabataan sakaling may dumaan na matinding bagyo o kalamidad.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na dapat matiyak ng DPWH at DepEd na kayang tuminding ng ating mga gusali ng paalaran sa gitna ng paghagupit ng anumang bagyo di tulad ngayon na pawang winasak ng bagyong Ulysses ang ilang eskuwelahan sa Cagayan at Isabela.

“Mahalaga ang typhoon-resistant buildings sa pagpapanatili ng kaligtasan ng ating paaralang kadalasan na nagsisilbing evacuation center. Bagama’t ang mga paaralan ay hindi tinayo upang magsilbing evacuation center, patuloy pa ring ginagamit ang mga ito sa ganoong paraan,” giit ni Gatchalian.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 747 ni Gatchalian na naglalayong magpatayo ng permanenteng evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa, layon din ng naturang panukalang batas na magpatayo ng dagdag na pasilidad sa paaralan na magsisilbing evacuation center.

Ayon pa sa panukala, dapat ang mga gagawing evacuation center ay kayang labanan ang hanging may bilis na 320 kilometers per hour o lindol na hindi bababa sa 7.2 magnitude. Dapat ding sumusunod ang bagong pasilidad sa National Building Code of the Philippines (Republic Act No. 6541).

“Sa ating pagkukumpuni o pagpapatayo ng mga bagong gusali sa mga paaralan, kailangang siguruhin nating ang disenyo ng mga ito ay kayang makaiwas sa pinsalang maaaring idulot ng mga kalamidad,” ani Gatchalian.

“Ang pagkakaroon ng matitibay na mga paaralan ay mahalaga hindi lamang para sa agarang pagpapatuloy ng edukasyon. Dahil ang mga paaralan natin ay madalas nagsisilbi ring mga evacuation centers, kailangang siguruhin natin ang kaligtasan ng mga ito sakaling sumilong dito ang mga residente sa tuwing may kalamidad,” dagdag ng senador.

Ayon sa isang opisyal ng DepEd, ang substandard construction ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na nasisira ang maraming mga paaralan tuwing bumabagyo. Obserbasyon ng naturang opisyal, malaki ang posibilidad na gumuho ang kisame ng mga gusaling ipinatayo noong March 2014 hanggang 2019. Dapat din aniyang lagyan ng storm protector ang mga bubong at bintana ng mga paaralan upang mas maging ligtas ang mga ito.

Para naman kay Gatchalian, isa sa mga solusyon ang paglalagay ng mga roof decks na konkreto imbes na palaging pinapalitan ang mga nasisirang bubong sa tuwing may bagyo.

Ayon sa Education Cluster Report noong Nobyembre 15, mahigit isang libong (1,190) mag-aaral sa halos pitumpung (69) dibisyon ang apektado ng bagyong Ulysses. Halos isang libo at walong daang (1,739) mag-aaral naman sa tatalumput anim (36) na dibisyon ang naapektuhan dahil sa bagyong Rolly. Ayon sa DepEd, humit-kumulang siyam (8.9) na bilyong piso ang kailangan upang muling maipatayo ang nasirang mga paaralan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.