Sen Go muling binanatan si Lagman, mahiya ka naman wala kang malasakit sa mga Bikolano

Muling binanatan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go si Albay Representative Edcel Lagman malaki ang naging pakinabang ng kanyang kababayan sa tinayong Malasakit sa Center sa Bikol.

Sa kanyang privilege speech, binanggit ni Go na probinsiya ng Albay ang unang nakinabang sa programang ito ng gobyerno at mismong nasaksihan pa ito ni Vice Governor Grex Lagman nang itayo ang Malasakit Center doon.

“Ano na lamang ang sasabihin ng mga Bicolano kapag nalaman nilang ang mismong congressman nila ang bumabatikos sa programang tumulong sa kanila na malunasan ang kanilang karamdaman?” sabi ni Go.

“Ano na lamang ang sasabihin ng mga Bicolana kapag nalaman nilang walang malasakit sa kanila ang mismong representative nila sa gobyerno?” saad pa nito.

Binuweltahan ni Go si Lagman matapos nitong sabihin na kanyang paiimbestigahan sa Kamara ang Malasakit Centers na umano’y nakikinabang sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Pero sabi ni Go, dapat mahiya si Lagman sa kanyang sinasabi dahil ang mga kababayan nito ay labis na nakikinabang sa nasabing programa.

“Congressman Lagman, do not be anti-poor. Ang pera ng tao, nararapat lamang ibalik sa tao,” sabi ng senador.

“Mahiya kayo sa mga constituent ninyo. Mahiya kayo sa milyun-milyong Pilipinong natutulungan ng programang ito,” sambit pa niya.

Kinastigo din nito ang kongresista sa paraang nito ng pagtulong sa kanyang mga kababayan kung saan pinapapunta pa niya ito sa kanilang bahay para makakakuha ng medical assistance.

“Andoon na sa loob ng ospital ang pasyente, papupuntahin mo pa sa inyo para ipamukha sa kanila na ikaw mismo yung tumulong. Nasa ospital na, pahihirapan mo pa,” dagdag pa nito.

“Hindi ganyan ang asal ng isang totoong lingkod bayan. Hindi dapat ganyan ang serbisyo sa tao,” ayon pa sa senador.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.