Sen Gordon pumanig kay Duterte, sa desisyong pagtake-over ng AFP sa BOC

watch the video here:

Ayon kay Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, naiintindihan niya ang pag-uutos ng Pangulo na take-over ng militar sa BOC dahil sa matindi roong katiwalian pero malabo umano kung ano ang magiging papel doon ng mga sundalo.

“Dapat ilagay sa proclamation, na ang ilalagay sa Customs susundin ang batas. Dapat ilinaw muna ng Malacanang kung anong gagawin ng military,” pahayag ni Gordon sa ika-19 na pagdinig ng kumite ukol sa pagpupuslit ng iligal na droga.

Sinabi nito na maaaring magbantay ang mga sundalo sa mga gate ng BOC at kumalap ng intelligence information o kaya ay magdagdag ng seguridad.

Pero ipinunto na walang kasanayan ang mga sundalo sa pagkolekta ng buwis at sa pagkilatis sa mga shipment na dumadaan sa X-ray machine.

Kung may iba pang ipagagawa ang Pangulo sa militar na hindi naman abot ng kanilang kasanayan, maaari umanong maapektuhan ang operasyon ng ahensya.

Ipinagtanggol naman ang desisyon ng Pangulo dahil maituturing umanong “lawless violence” na ang pagpasok ng iligal na droga at ang pagpapalusot dito ng mismong mga awtoridad ng gobyerno.

“The point is the President is serious, so serious about this that he issued an order,” dagdag nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.