Sen. Gordon sa Red Cross-PhilHealth deal, gusto pa ring kwestyunin ng dating PhilHealth official

Gusto pa rin ni dating anti-fraud officer of the state health insurer Thorrson Montes Keith na kwestyunin si Sen. Richard Gordon sa aligasyong korapsyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

“Ang sa tingin ko po dyan, si Sen. Gordon ang isa po,” giit ni Keith.

Pinamamahalaan ni Gordon ang Philippine Red Cross kung saan tumatanggap ang ahensya ng bayad mula sa PhilHealth para sa COVID-19 tests.

“Hopefully, kung magkaroon ng another investigation, kasama na po siya kasi yung in-admit po ni Atty. (Rodolfo) del Rosario sa Congress na hindi part ng IRM yung perang ibinigay sa Red Cross, mas malala po yun na admission,” saad pa nito.

Sabi pa ni Keith na naiisip niyang alam na ito ng kongreso ang isyu sa PhilHealth-PRC deal.

“Nagpasa din naman ako kung anong findings ko doon sa deal between Red Cross and PhilHealth na, could amount to the indictment also of Sen. Gordon. ‘Di ko po alam kung paano nila i-investigate yan, ‘yung dawit sa investigation ‘yung Red Cross,” ayon pa dito.

Pinabulaanan naman ito ni Gordon at iginiit na ito ay tsismis lamang.

“By the way, for the record, I never asked that the Red Cross do the testing. They all came to me… And we signed an agreement. Nobody put a gun on their heads,” dagdag pa ni Gordon.

Pinunto rin nito na pinakamura na ang P3,500 na PRC testing fee.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.