Sen. Gordon sinang-ayunan ang desisyon ng SC sa taas sweldo ng mga Pinoy nurses

Nagpahayag ng suporta si Senador Richard Gordon sa pagkatig ng Korte Suprema sa Section 32 ng Philippine Nursing Act.

Sa ilalim nito, dapat ay nasa salary grade 15 o higit P31,000 ang basic salary ng mga nurse sa bansa.

Giniit ni Gordon, na matagal nang dapat ipinatupad ang patas na pagpapasweldo sa mga nurse ng public at private hospitals, at health institutions.

Sa ngayon kasi, ay nasa walo hanggang labinlimang libong piso ang entry-level salary ng mga nurse.

Upang mas makatulong pa sa ating mga nurse, nagpanukala si Gordon na amyendahan ang naturang batas.

Sa panukalang amendment, nais ng senador na mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong graduate at lisensyadong nurse na makapagtrabaho sa gobyerno, at maitalaga sa mga lugar sa Pilipinas kung saan sila pinaka-kinakailangan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.