Sen Grace Poe nagsumite ng kanyang kandidatura sa Commission on Elections muling tatakbong senador bilang independent candidate

Sen Grace Poe ay nananatiling pinakamataas na pagpipilian sa mga ginustong kandidato ng senador para sa 2019 na botohan, na may 67.4 porsiyento ng mga boto ng 1,800 na nakarehistro sa survey ng Pulse Asia noong Hulyo 2018.

Nakapaghain na ng kanyang certificate of candidacy si Senator Grace Poe para sa pagka-senador na nanguna sa mga survey kaugnay sa 2019 election.

Kasama ni Poe na nagsumite ng COC sa tanggapan ng Comelec ang kanyang inang aktres na si Susan Roces bilang suporta.


sen grace poe

Si Poe na siyang chairman ng Senate Committee on Public Services ay isa sa mga pumapalag sa planong jeepney phase out at paglilipana ng mga e-jeepney.

“We are not against modernization. We just want it to be inclusive,” aniya sa press conference.

READ: SEN GRACE POE PINAYUHAN NI SEC ROQUE NA PUMASOK SA LAW SCHOOL PATUNGKOL SA PAG-VOID NG AMNESTY NI TRILLANES!

Taong 2013 nang tumakbo sa Senado si Poe matapos maging chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Binalak din ni Poe na tumakbo sa pagkapangulo noong 2016 pero bumagsak ito sa pangatlo na may 9 milyong boto.

“Kung ‘di tayo nabigyan ng pagkakataon noong 2016 hindi natin maaabot iyong mga taong iyon. Mas maraming nakarinig sa atin, kaya sana hindi pa tayo nakalimutan,” sabi ni Poe.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.