Sen. Grace Poe, nanawagan sa telcos na bilisan ang pagsasaayos ng internet connection sa bansa

Hinikayat ni Senator Grace Poe ang telecommunications companies na bilisan ang mga hakbang nito sa pag-aayos ng internet connection at reliability sa bansa, lalo at malapit nang magsimula ang klase ng mga paaralan.

Ayon kay Poe, kailangang kailangan ang maaasahang internet connection, ngayong dedepende ang mga estudyante dito sa gagawing distance at online learning ngayong school year.

Sa isang survey na isinagawa ng Asian Development Bank Institute, natuklasan na 46 percent ng pamilyang Pilipino na may mga batang anak ang hindi pumapasok sa eskuwelahan sanhi ng COVID-19 pandemic.

Tayo aniya ang ikalawa sa walong bansa sa ASEAN na may pinakamataas na bilang kasunod ng bansang Myanmar.

Giit ng senator, sa ilalim ng Bayanihan 2, ay mas pinaikli na ang proseso sa pagkuha ng permit ng mga telco upang mabilis na makapagpatayo ng cell towers at maayos kaagad ang kanilang mga serbisyo.

Nanawagan din ang senator sa major telco companies, na palakasin ang pakikipagtulungan sa maliliit na telco sa lalawigan, partikular sa mga liblib na lugar, upang higit na makinabang ang mga subscriber.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.