Sen Grace Poe, reporma muna sa judicial system ang kailangan bago magpatupad ng death penalty sa bansa

Iginiit ni Senator Grace Poe na kailangan munang magkaroon ng reporma sa justice system ng bansa bago ikonsidera ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Ito ang tugon ng senator sa naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas, na magpasa na ng panukalang batas upang maibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection para sa mga drug offender.

Ayon kay Poe, malalagay lang sa alanganin ang mga mahihirap at mga inosente, dahil wala silang sapat na kakayahan na depensahan ng maayos ang kanilang sarili sa korte.

Dagdag pa ng senator, gaya ng pagsusumikap natin na makapagligtas ng buhay mula sa COVID-19 pandemic…

Dapat rin aniya nating tiyakin na mapoprotektahan ang buhay ng ating mga kababayan mula sa panganib ng kawalang-hustisya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.