Sen Grace Poe sa DOTr: ‘di ako against sa emergency powers, wala lang kayong plano’

Nagmatigas si Senador Grace Poe na kahit hindi niya sinasalungat ang emergency powers kay Pangulong Duterte, hindi niya maibigay ito dahil walang plano ang Department of Transportation (DOTr) kung paano lulutasin ang problema sa trapiko.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na kahit wala ang emergency powers, magagawa naman ng gobyerno ang mga proyekto at programa na magpapahusay sa mass transport system dahil may batas at ipinaiiral na patakaran upang mapabilis ang proyekto ng pamahalaan at maibsan ang paghihirap ng mamamayan at motorist.

 “Let me stress that I am not against emergency powers. In fact, granting it does not solely rely on me. I am just one vote in the Senate. Like my colleagues, I have to be convinced why it is needed,” ayon kay Poe.

Sinabi ni Poe na gagawin niya ang lahat malutas lamang ang problema sa trapiko, ngunit kailangan may plano ang DOTr kung paano lulutasin ito.

 “I am for anything that will solve traffic. We are all victims of this. I am for it if it is guaranteed that they have a plan. For you to give something as immense as the emergency powers, you have to be sniper accurate, it cannot be a shotgun approach,” aniya.

 “It’s like giving a loaded gun to a child if they don’t have a plan. If they come up with the traffic plan and deliver on the projects that they should have delivered years ago, traffic situation would have been bette,” giit pa niya.

Aniya, sapat ang umiiral na batas at patakaran upang tugunan ang usaping legal tulad ng procurement law at right of way law.

 “Without emergency powers, a lot can still be done,” aniya.

Partikular na tinukoy ni Poe ang NLEX-SLEX connector road na malapit nang makumpleto na magtatanggal sa libu-libong sasakyan sa EDSA. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.