Sen Hontiveros binanatan ang BJMP sa kaguluhan sa burol ni Baby River

Matinding binanatan ni Senador Risa Hontiveros ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kaguluhan na nangyari sa burol ng anak ni Reina Mae Nasino na si Baby River.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na tanging walang puso ang puwedeng umagaw sa bagong panganak sanggol palayo sa kanyang ina at hinayaan lang ng gobyerno na mamatay si Baby River.

“Hanggang sa burol niya, pinagkaitan ang kanyang ina. Pati ang mga huling sandali na makasama man lang ang labi niya, hindi pa maibigay,” giit ni Hontiveros.

Bakit pa kailangan ng 40 guwardiya para bantayan ang isang nagluluksang ina na nakaposas at ang kanyang baby na patay na?, tanong ng senador.

Sinabi ni Hontiveros na kung laging kalupitan ang sagot natin sa hinanakit ng taumbayan sa gitna ng pinakamalalang krisis, ang pagdurusa ni Reina Mae ay siya ring magiging pagdurusa ng buong bayan.

“The real indicator of who we are as a nation is if we can still offer even our worst critics compassion.,” giit ng senador.

“Ibigay natin ang huling pagpapaalam sa mag-ina nang maayos.,” dagdag ng senador.

May tanging pakiusapan si Hontiveros sa mga officials, leaders, decision-makers: “Maging built-in sana ang empathy at compassion sa gitna ng economic at health emergency na dulot ng COVID-19. “

“No matter our political differences, our decisions should always be made in kindness,” aniya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.