Sen. Hontiveros, isinusulong ang Full scale investigation sa P9.5-B loan ng bansa para sa 2019 SEA Games facilities

Nais ni Senator Risa Hontiveros na magkaroon ng isang full scale investigation tungkol sa joint venture agreement (JVA), na pinasok ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa Malaysian developer MTD Capital Berhad, para sa pagpapatayo ng mga pasilidad na ginamit para sa 2019 Southeast Asian (SEA) games sa tarlac.

Ayon sa senator, matapos ang masusing inspeksyon ay nakita niyang maaaring mayroong naging sabwatan para sa pagpopondo at pagpapatayo ng mga sports facilities, sa New Clark City.

Sinabi ni Hontiveros, na mayroong mga senyales na isang fake joint venture lamang ang JVA ng BCDA at ng Malaysian company.

Aniya, sa ilalim ng JVA na napirmahan noong February 2018, dapat ay ia-advance muna ng MTD ang P8.5 billion para sa pagsasakatuparan ng proyekto, gayunpaman wala naman aniyang in-advance na pera ang kumpanya.

Sa halip, pinondohan aniya ng MTD ang proyekto sa pamamagitan ng pag-loan ng P9.5 billion mula sa Development Bank of the Philippines (DBP)…ang nakapagtataka pa aniya, mabilis naaprubahan ang loan na ito, dahil aprubado na ang loan noong March 2018 o isang buwan lang matapos napirmhan ang JVA noong February 2018.

Dahil kailangang bayaran ng BCDA ang pondong inilabas di umano ng MTD para sa proyekto, binayaran ng ahensya ng buo ang P9.544 billion ang MTD, gamit ang pondong inilaan sa ilalim ng 2019 national budget.

Tanong tuloy ni Hontiveros, para saan pa ang joint venture kung binayaran na rin ng buo ng BCDA ang MTD gamit ang kaban ng bayan, at kung wala rin namang pondong inilabas talaga ang Malaysian company.

Pinunto rin ng senator, nasita na rin ng Commission on Audit (COA) ang kasunduang ito sa pagitan ng BCDA at MTD, dahil umano sa pagbibigay ng undue advantage sa naturang kumpanya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.