Sen. Hontiveros nais paimbestigahan ang pagbili ng locally-made PPEs

Nais paimbestigahan ni Senator Risa Hontiveros sa Senado ang pagbili ng local production of personal protective equipment (PPE) sa gitna ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.

Nauna nga ritong inihain ng senadora ang Senate Resolution No. 506 kaugnay sa ulat na 10 milyon lamang mula sa 57.6 milyong PPEs na inilalabas ng Confederation of Philippine Manufacturers of PPEs kada buwan ang nae-export.

“Our COVID-19 response budget can afford to supply more frontliners with more medical-grade equipment if we procure locally.

We have the supply, we have the quality, and we have the funds — bakit patuloy pa ang mass importation natin?” saad ni Hontiveros.

“Bakit natin pipiliin ang imported PPEs na may kwestiyonableng kalidad kung kaya naman nating mag-produce ng dekalidad sa halos kaparehong presyo? Hindi praktikal ang mag-import pa, habang padami ng padami ang health workers na nagkakasakit.”

Giit pa nito, nais niyang makarinig ng update sa Bayanihan PPE Project na pinapangunahan ng Department of Health, Department of Trade and Industry, at Board of Investments.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.