Sen. Hontiveros sa Meralco, i-moderate natin ang kasakiman nito

“Isang systematic at smarter mechanism ang dapat iimplementa para masiguradong hindi na mauulit ang bill shock na nagpa-stress sa mga electric consumers.”

Ito ang pahayag ni Senadora Risa Hontiveros kasabay ng paghikayat sa Energy Regulatory Commission (ERC) na gumawa ng mga reporma para hindi maulit ang ‘bill shock’ sa Meralco consumers sa Metro Manila.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy sa panukalang extension sa lifeline subsidy, sinabi ni Hontiveros na ang multang ipinataw sa Meralco dahil pagkabigo nitong maipaliwanag ng mabuti ang pagtataya sa billing ay barya lang kung tutuusin dahil sa mas mataas nitong kita mula sa mas mataas na power rates na patuloy na pabigat sa mga konsyumer.

“Ano mang panahon, may pandemya o wala, dapat siguraduhing walang nananamantala. Bagama’t welcome ang penalty na ito, ang P19-M na nawala sa bulsa ng Meralco ay katiting lang kumpara sa bilyun-bilyon nilang kinikita,” sabi ni Hontiveros.

“I-moderate natin ang kasakimang ito para mas malaking ginhawa sa mga konsyumer,” dagdag pa nito.

Paliwanag ni senadora, maaring maglagay ang ERC ng smarte system na tutugon sa problema sa billing sa panahon ng emergency at kailangan din lumipat sa renewable energy.

“Tiyak na maraming karanasan at pag-aaral tungkol sa operation ng smart grids, smart metering systems, at renewable energy. Pero ano pa mang sistema, alam naman natin na ang ‘greed’ ay hindi nababagong basta ng teknolohiya. Tungkulin ng regulatory body gaya ng ERC na siguraduhing walang industry players ang nanlalamang,” sabi ni Hontiveros.

Bukod sa bill shock, may isyu din ang Meralco at ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) tungkol sa mataas na balik sa capital dahil sa mas mataas na power rate na dati nang isyu ng senadora sa mga nagdaang pagdinig tungkol sa pagkontrol ng Chinese sa NGCP.

“NCGP enjoys a 15 % weighted average capital (WACC) which is almost twice the global average of 8%. Meralco, on the other hand, enjoys more than 15% under the performance-based rate (PBR) methodology approved by the ERC,” ani Hontiveros.

“In this difficult and trying times everyone should stand side-by-side with our consumers. Dapat busisiin at tingnan kung sumusunod at nagko-comply ang major industry players sa obligasyon nito,” anang senador.

“Hindi dapat sinasamantala at pinagkakakitaan ng mga industriyang ito ang maliliit na konsyumer na ngayo’y dapang-dapa na dahil sa dagok ng pandemya,” wika pa nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.