Sen. Hontiveros sa Pastillas scam, humakot ng P40B simula noong 2017

Tinatayang aabot sa P40 bilyon ang hinakot ng sindikato sa Bureau of Immigration (BI) na nagpapatakbo sa “pastillas” scam simula noong 2017 sa pamamagitan ng paghingi ng padulas sa mga Chinese nationals na gustong pumasok sa bansa sa pamamagitan ng Visa Upon Arrival (VUA), ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kanyang pinagbasehan ang datos na nakuha sa ahensiya mismo dahil umabot na sa apat na milyong Chinese nationals ang nakapasok sa bansa simula noong 2017.

Senator Risa Hontiveros on Tuesday revealed that masterminds of a notorious “business model” at the Bureau of Immigration have pocketed a total of P40 billion pesos since 2017 from facilitating the arrivals of Chinese nationals through the so-called Visa Upon Arrival (VUA) and the “pastillas scam” (non-VUA transactions).

“May nangungurakot sa bawat sulok ng Bureau of Immigration (BI). Sa ‘pastillas’ scam, ang estimate natin ay natabo ng mga mastermind na nito ay P30 billion, that’s based on the arrival data of Chinese nationals na non-VUA. Sa VUA naman, another revenue stream, the kickbacks go straight into the pockets of some officials,” ayon kay Hontiveros.

Tinukoy din ng senador ang malaking bilang ng mga pumasok ng Chinese national sa bansa kada taon.

“The numbers are staggering. For the sake of comparison, four million Chinese nationals arriving here since 2017 is comparable to more than the entire population of Quezon City. Kumbaga, bakit mas marami pa sa mga residente ng QC ang bilang ng Chinese na pinapapasok sa bansa?” ayon kay Hontiveros.

Aniya, mula sa 4 milyong Chinease nationals, aabot sa 3.8 milyon ang non-VUA applicants habang 150,000 ang VUA applicants. Mahigit 3 milyong non-VUA applicant ang pinaniniwalaang nagbayad ng P10,000 service fee sa “pastillas” scam

“ According to whistleblowers Alex Chiong and Dale Ignacio, masterminds of the scam take part of the bribe money,” anang mambabatas.

“Sa Pastillas, ang pera pumapasok sa airport, tapos sa mga IO (Immigration Officer) pinapamigay. Bago siya mag resign, si Red Mariñas ang in charge bilang chief ng Ports Operations Division (POD),” giit ni Hontiveros.

Hinggil naman sa kuwestiyonableng VUA applicants, napupnta diretso sa main office ang lagay mula dito na kung saan inaprubahan ang visas.

“Sa VUA, diretso sa main office. Bago siya mag retire, si Maynardo Mariñas, ang ama ni Red, ang in charge dito bilang head ng Special Operations Communications Unit (SOCU), which checks and audits the VUAs. Tiba-tiba ang pamilyang Mariñas, pero nanatili pa din na tanong ay: sino ang protector nila?” ayon sa senador.

Aniya, kanyang ipagpapatuloy ang paghahanap sa “big fish” sa ahensiya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.