Sen. Imee Marcos, ipinapanalanging maging paborable sa kapatid ang desisyon ng PET

Umaasa si Senator Imee Marcos na magiging paborable sa kanyang kapatid ang resulta ng electoral protest ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. Laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon sa senator, naniniwala silang may himala at papabor sa kanila ang desisyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET).

Sinabi pa ni Marcos, na sa ngayon ay hindi na nila pinag-uusapan ng kapatid ang electoral protest dahil napagod na sila sa kakahintay.

Samantala, ikinagalak naman ng senator ang pagkakabasura ng Sandiganbayan sa civil case laban sa pamilya Marcos kaugnay ng diumano’y ₱1.052 billion ill-gotten wealth ng mga ito.

Giit ni Senator Marcos, bagamat inabot ng higit tatlumpung taon ang kanilang pagiging inosente ay nagpapasalamat pa rin sila sa desisyon ng Sandiganbayan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.